Tips para mas chill ang pagpapatakbo ng business ngayong peak season – Qarabao
search

Tips para mas chill ang pagpapatakbo ng business ngayong peak season

By Miguel Montes6 months ago4 minutes

Tips-para-mas-chill-ang-pagpapatakbo-ng-online-business-ngayong-peak-season
Spread the love

Pasko, Pasko, Pasko na naman muli! Sigurado kaming ramdam na ramdam na naman ng mga business owners ang pasko. Sigurado rin kami na bukod sa pasko, nararamdaman niyo na rin ang pabigat nang pabigat na trabaho.

Ganyan talaga tuwing peak season. Maraming orders, maraming kailangang ipa-deliver, tapos kailangan sigurado ka pang mababayaran ka ng lahat ng customers mo. In short, sobrang daming kailangang asikasuhin!

Magandang blessing naman talaga ang pag-tambak ng orders lalo na ngayong malapit na ang Pasko, pero hindi ibig sabihin nito na kailangan mo ring matambakan ng trabaho. So anu-ano nga ba ang mga pwede nating gawin para chill ang pagpapatakbo ng business ngayong peak season?

1. Unahin ang mga dapat unahin

Aminin na natin. Madami naman talagang distractions kaya ang hirap mag-focus sa mga kailangang tapusin. Palagi natin sinasabi sa sarili natin na “mamaya na lang,” hanggang sa matatambakan na tayo ng trabaho.

Kung nahihirapan kang mag-umpisa, pwede mong unti-untiin ang mga nasa to do list mo. O kaya naman subukan mong i-schedule ang trabaho mo sa peak hours mo o kung kailan ka pinaka productive. Dapat advance ka din mag-isip! Pwede mo nang doblehin ang stocks ng best-sellers mo o mga products na alam mong mabilis mauubos ngayong November at December. 

Gawin mo na lahat nang pwedeng gawin para iwas hassle!

2. Matutong magsabi ng “no”

Kung merong maraming backlogs, meron ding mga natatambakan ng trabaho dahil hindi marunong tumanggi. Meron ka bang Yes Man syndrome? Character siya sa isang movie na palaging “yes” ang sagot sa lahat ng bagay. Tuloy, siya ang napapahamak sa huli.

Marami sa atin, tanggap lang nang tanggap ng orders tuwing peak season. Masarap sa pakiramdam na maraming umu-order sa atin, pero hanggang ilan nga lang ba ang kaya mong i-acommodate? Mahalaga na i-manage mo ang expectections ng customers mo. Kailangan mo silang i-inform kung first come, first serve ang pag-order sayo at kung paubos na ang products mo.

Kailangan marunong tayong magsabi ng “no.” Akala kasi ng iba sa atin, weakness ang pagsasabi nito, pero sa katotohanan, kapag natutunan mong humindi, nababawasan din ang mga isipin mo. Tandaan mo, masyado ka nang maraming ginagawa. Huwag mo na lalong pahirapan ang sarili mo.

Minsan, mahirap naman talagang tumanggi. Mapapa-yes ka na lang kasi gusto naman talaga natin na marami tayong benta. Ang tip naman namin para sa mga gustong magsabi ng “yes”…

3. Huwag mahihiyang humingi ng tulong

Meron ding mga tao na hindi na nga marunong tumanggi, sinasarili pa lahat ng trabaho. Kailangan mong aminin sa sarili mo na hindi lahat ng bagay kaya mong gawin mag-isa.

Meron ka bang hindi alam gawin para sa business mo? Marami kang mahahanap na tutorials sa YouTube. Pwede mo din basahin blogs namin! Palagi kaming nagsusulat ng tips sa pagpapatakbo ng business.

Nahihirapan ka na bang gawin ang trabaho mo mag-isa? Pwede kang humingi ng tulong sa mga kamag-anak mo.Kung kakayanin naman ng budget mo, pwede ka ring mag-hire ng temporary assistant. Kung ayaw mo namang gumastos nang malaki, meron kaming bonus tip para sayo…

Bonus tip: Gumamit ng Qarabao

Bukod sa tatlong tip na binigay namin, hindi parin naman talaga natin matatanggi na nakaka-overwhelm ang mga task na ito, lalo ngayong peak season:

  • Inventory management. Paulit-ulit mong binibilang kung ilang products na nga lang ba ang natitira sayo.
  • Order management. Nahihilo ka na sa pagbabantay kung na-deliver at nabayaran na lahat ng orders mo.
  • Accepting payments. May mga customers ka na nahihirapang magbayad kasi wala ka nung gusto nilang mode of payment.
  • Shipping orders. Isa-isa mong binu-book yung orders mo for shipping. Hassle din magpabalik-balik at pumila sa mga padala center!
  • Tracking sales. Hindi mo na nababantayan kung kumikita pa nga ba ng maayos ang business mo.

Sa panahon ngayon, gusto natin lahat mabilis at simple. Qarabao is an all-in-one tool na pwede mong gamitin para tulungan ka sa lahat ng tasks na ito. For only PHP490.00/month — which is basically just PHP16.00/day — mas madali mo nang mapapatakbo ang business mo, simula sa pagma-manage ng inventory mo hanggang sa pag-ship ng orders mo! Sign up here para ma-try mo ang Qarabao for free for 30 days!

Takeaways!

☑️ Unahin ang mga dapat unahin. Unti-untiin ang backlogs bago mag-Pasko.
☑️ Matutong magsabi ng “no.” Huwag tumanggap ng trabaho na hindi mo kaya.
☑️ Huwag mahihiyang humingi ng tulong. Hindi lahat ng bagay kailangan mong gawin mag-isa.

Other articles you may like

                

Get started with our 30-day free trial

Close Bitnami banner
Bitnami