Paano mag-send ng Order Form sa Qarabao? – Qarabao
search

Paano mag-send ng Order Form sa Qarabao?

By Miguel Montes5 months ago2 minutes

paano magsend ng order form sa qarabao
Spread the love

Favorite talaga nating business owners ang tanong na “paano po mag-order?” Siyempre, excited tayong makabenta at sign na kasi ito na ready nang bumili sayo si customer. Pero tuwing natatanggap natin ito, marami na rin itong kasunod na ibang tanong tulad ng…

“Hm po ulit yung dress?”
“Available pa po ba yung product na ito?”
“Ano nga po ulit bank account details niyo?”

Buti na lang masaya magbenta, so minsan hindi mo na rin talaga mamamalayan yung oras at pagod. Pero siyempre mas masaya kung mas marami kang pwedeng matanggap na benta! 💰

Good news, kasi pwede mo nang mas padaliin at pabilisin ang pagtanggap ng orders gamit ang Order Form ng Qarabao.

Ano nga ba ang Order Form at para saan ito?

Basically, isa itong link na pwede mong i-send sa customer mo kung saan pwede na silang mag-order, mag-check out at magbayad. Dito, ang kailangan lang nilang gawin…

  1. Pumili ng products
  2. Pumili sa partner couriers ng Qarabao (Payo and Lalamove)
  3. Pumili ng mode of payment

Pagkatapos i-confirm ni customer ang order nila, automatic nang mase-schedule ang order nila for delivery ⁠(pwede itong ma-schedule for delivery on the same day, pwede ring the next day).

Paano mag-send ng Order Form sa Qarabao?

Madali lang itong gamitin. Kunwari nagbebenta ka ng mga damit at gustong bumili sayo ni Fatima Reyes. Nag-send siya ng message sa Facebook or Instagram at sabi niya, “Gusto ko po itong floral dress. Paano po mag-order?” Ito lang ang mga kailangan mong gawin sa Qarabao…

  1. Pumunta sa Orders page
  2. I-click ang Send Order Form button
  3. Meron kang dalawang options para makapag-send ng Order Form:
    1. Una, pwede mong i-copy ang Shareable Link at i-send ito kay customer
    2. Pangalawa, pwede mong i-enter ang email address ng customer mo sa Email Address field at i-click ang Send Order Form button

Mag log in ka na sa Qarabao at i-send ang iyong first order form. Kung wala ka pang account sa Qarabao, sign up here to try it for 30 days free:

Kung kailangan mo ng tulong or kung gusto mo makita kung paano gumagana ang Order Form, pwede kang mag-send ng email sa amin sa support@qarabao.com or mag-schedule ng one-on-one demo.

Other articles you may like

                

Get started with our 30-day free trial

Close Bitnami banner
Bitnami