I-level up mo na ang online business mo sa Qarabao – Qarabao
search

I-level up mo na ang online business mo sa Qarabao

By harveyperello4 months ago4 minutes

I-level up mo na ang online business mo sa Qarabao
Spread the love

Mahilig ang mga Pinoy sa shopping, isa yan sa mga ugali natin na di natin kaya i-deny. Mapa clothes pa yan, make-up, gadgets, gamit sa kusina, or minsan mga abubot na di naman talaga natin kailangan.

GIF from Kris Aquino/The Aquino’s YouTube channel

Ito rin ang dahilan kung bakit halos kahit saan, may makikita ka na mall. City man yan o probinsya, konting byahe lang at para kang nasa shopping heaven. They’ve got it all for you, diba?

Recently, nag-level up na ang mga Pilipino kung paano mag-shop. Smart phone, internet, at lakas ng loob na mag-add-to-cart lang ang kailangan, pwede ka nang mag-shopping. Ito rin ang dahilan kung bakit pangatlo ang Pilipinas sa listahan ng fastest growing ecommerce market globally. Most likely, dahil binabasa mo ‘to, isa ka rin sa mga hustlers na nagbebenta online.

Pero as a seller, paano mo ba i-pupush ang business mo to the next level? 

Online selling made easy

Mahirap maging online seller at talagang nakaka-overwhelm minsan. Lalo na kung ang dami mong nakukuhang tanong katulad ng “HM po?” (Kahit nasa caption na yung price. 😅)

Pero aside sa pa-ulit ulit na tanong ng customers, gets din namin ang ibang struggles ninyo sa pag-manage ng negosyo and gusto namin kayong tulungan. 

Paano nga ba makakatulong ang Qarabao sa online business mo?

Mas madali na mag-track ng inventory

Madali na lang i-monitor ang inventory ng online store mo. I-upload lang ang products pagka-create ng account at kada order, mababawas na agad sa inventory. Pwede ka rin mag-set ng low inventory notification para pag konti na lang ang stocks mo, si Qarabao na ang bahala mag paalala sayo na mag-replenish.

Qarabao’s Inventory Management feature shows the quantity of your products in real time
Qarabao’s Inventory Management feature shows the quantity of your products in real time

Bawasan ang mano-manong tasks

Nakailang notebook or spreadsheet ka na sa online business mo? Isa or isang dosena? Habang lumalaki ang business, mas nagiging mahirap na i-record nang mano-mano lahat ng transactions. Gamit ang Qarabao, pwede nating bawasan ang manual work mo — mula sa pagkuha ng order ni customer hanggang sa pag-track kung nagbayad na ba sila sayo. Kailangan mo lang mag-send kay customer ng Order Form link (see video below) at dun na sya pipili ng product, maglalagay ng customer details, pipili ng shipping and payment option, at pwede din sya mag-upload ng proof of payment. Lahat yan, connected sa Qarabao dashboard mo just one log-in away!

Also read: Paano mag-send ng Order Form sa Qarabao?

Tutulungan ka namin sa delivery

Every time na may order si customer, di mo na kailangan problemahin pa kung paano ipapadala ang item sa kanya. Partner na ni Qarabao si Lalamove for same day deliveries at Payo Asia (For LBC, 2GO, at iba pang couriers). Pili ka lang ng delivery partner na tingin mo pasok sa needs mo at ng customers mo, i-activate sila sa Qarabao account, at automatic na ang pag-process ng delivery ng product.

Qarabao’s delivery partners, Lalamove and Payo Asia
Qarabao’s delivery partners, Lalamove and Payo Asia

Madaming payment options

The more the merrier! Ganun din sa possible payment options ni customer sa tuwing bibili sya sa isang online store. Available na ang GCash, Coins, PayMaya, PayPal, and pati ang bank deposit sa mga options kung paano ka pwedeng bayaran. Syempre, pwede rin ang cash-on-delivery. Mas madaming payment options, mas madali ang transactions sa online business.

The different payment channels that you can activate on Qarabao
The different payment channels that you can activate on Qarabao

Madami pang paraan kung pano i-level up ang negosyo mo at patuloy kaming nag-iisip ng ways kung pano namin kayo matutulungan. May panibago din kaming feature na ilalabas very soon na makakatulong sa inyo na magkaron ng sariling online store sa labas ng Facebook at Instagram. 

Ready ka na ba mag level up? Try mo na ang Qarabao. Sign up here to try it for 30 days free

Kung gusto mo mag-share ng mga nakakatulong sayo sa pagtakbo ng online business mo o kailangan mo ng tulong sa paggamit ng Qarabao, pwede kang mag-send ng email sa amin sa support@qarabao.com or mag-schedule ng one-on-one demo.

Other articles you may like

                

Get started with our 30-day free trial

Close Bitnami banner
Bitnami