5 Ways para gamitin ang Order Form ng Qarabao sa social media – Qarabao
search

5 Ways para gamitin ang Order Form ng Qarabao sa social media

By Miguel Montes3 months ago3 minutes

5 ways para gamitin ang order form ng qarabao
Spread the love

Marami sa ating mga business owners ang naghahanap ng mas mabilis at mas madaling paraan ng pagbebenta, lalo na kung mag-isa lang tayong nagpapatakbo nito. Siyempre, gusto natin palaging nagle-level up ang business natin!

Sa Qarabao, pwede mong i-manage ang business mo nang mas maayos sa maraming paraan. Isa sa mga pinaka magandang features nito ay ang Order Form, kung saan magse-send ka lang ng shareable link at pwede nang mag-order ang customers mo.

Saan ko pwedeng kunin ang shareable link?

Maraming paraan kung paano mo pwedeng gamitin ang Order Form ng Qarabao. Pero bago ang lahat, kailangan mo munang malaman kung paano kunin ang shareable link. Mag-log in lang sa Qarabao at sundin ang steps na ito:

Also read: Paano mag-send ng Order Form sa Qarabao?

Paano ko pwedeng gamitin ang Order Form?

Ngayong alam na natin kung saan kukunin ang shareable link, pwede na naming ituro sayo ang iba’t ibang paraan kung paano mo pwedeng gamitin ang Order Form sa social media.

1. I-send sa messaging apps

Halimbawa ng paggamit ng Order Form sa messaging apps
Halimbawa ng paggamit ng Order Form sa messaging apps

Pwede mo itong i-send sa messaging apps tulad ng Facebook Messenger, Viber, and Whatsapp. Kunwari meron kang customer na gustong mag-order sayo, kailangan mo lang i-send sa kanya ang shareable link at pwede na siyang pumili ng products.

2. Isulat sa ‘About Us’ or bio

Halimbawa ng paggamit ng Order Form sa ‘About Us’ or bio ng Instagram
Halimbawa ng paggamit ng Order Form sa ‘About Us’ or bio ng Instagram

Hindi lahat ng potential customers ay nagse-send agad ng inquiry. Merong iba na gusto munang tingnan ang profile mo. Kapag satisfied na sila, baka ready na sila mag-order. Magandang isulat sa ilalim ng ‘about us’ or bio ng social media accounts mo ang shareable link dahil isa ito sa unang bagay na nababasa ng customers mo.

3. Isulat sa product description or post captions

Halimbawa ng paggamit ng Order Form sa caption ng post mo
Halimbawa ng paggamit ng Order Form sa caption ng post mo

Tuwing mag po-post ka sa social media, pwede mong isama sa caption mo ang shareable link. Pwede ka rin maglagay ng quick instructions kung paano mag-order. This way, hindi na kailangang mag-inquire ng mga customers mo. Deretso na silang makaka-order sayo.

4. Gumawa ng ‘How to Order’ note sa Facebook

Halimbawa ng paggamit ng Order Form sa Notes
Halimbawa ng paggamit ng Order Form sa Notes

Usually, ginagamit ng mga online sellers sa Facebook ang Notes para magsulat ng instructions kung paano pwedeng mag-order ang customers nila. Pwede mo rin isama dito ang shareable link para deretso nang maka-order sayo ang customers mo.

5. Gumamit ng auto responder sa Facebook

Halimbawa ng paggamit ng Order Form sa automated messages
Halimbawa ng paggamit ng Order Form sa automated messages

Merong feature sa Facebook kung saan pwede kang mag-set up ng autoresponder. Tulad ng mga naunang examples, pwede kang mag-iwan dito ng instructions kung paano pwedeng mag-order sayo ang customers mo kung saan nakasulat na rin ang shareable link.

Bonus tip: I-customize ang shareable link

Halimbawa ng isang shortened URL na ginawa gamit ang bitly
Halimbawa ng isang shortened URL na ginawa gamit ang bitly

Kung nahahabaan ka sa shareable link at gusto mo itong i-customize, pwede kang gumamit ng free third-party URL shorteners tulad ng bitly. Dito, pwede mong paiksiin ang shareable link at i-customize ang dulo ng URL mo tulad ng example namin sa taas.

Ikaw naman!

Pwede mo nang subukan ang mga examples na pinakita namin! Mag-log in lang sa Qarabao para makuha ang shareable link. Kung wala ka pang account sa Qarabao, pwede kang gumawa ng account for free at i-try ito for 30 days.

Kung meron kang questions at kailangan mo ng tulong sa pag-gamit ng Order Form o ng Qarabao, pwede mo kaming i-email sa support@qarabao.com. Pwede ka rin mag-schedule ng free one-on-one demo.

Other articles you may like

                

Get started with our 30-day free trial

Close Bitnami banner
Bitnami