Paano mag-group ng products by category and variant sa Qarabao – Qarabao
search

Paano mag-group ng products by category and variant sa Qarabao

By Miguel Montes3 months ago3 minutes

Spread the love

Qarabao is an all-in-one tool na tutulungan kang mas madaling mapatakbo ang business mo. Bukod sa inventory management, order management, and shipping, pwede mo rin ayusin dito ang listahan ng products sa paggawa ng category and variant.

Tingnan natin kung paano mo pwedeng i-organize ang products mo sa Qarabao. At para mas madali nating maintindihan, sabayan natin si Jepoy Manalo.

Scenario: Owner si Jepoy Manalo ng isang shirt printing business. Nagbebenta siya ng statement shirts, couple shirts, university shirts, at marami pang iba. Meron din siyang iba’t ibang sizes and colors na available. Dahil sa sobrang dami niyang shirts, nahihirapan siyang ayusin ang inventory niya.

Categories

Kailangan mo munang ayusin ang categories na meron ka. Ito yung iba-ibang klase ng products na binebenta mo. Halimbawa, pwede nating i-categorize ang products ni Jepoy into statement shirts, couple shirts, and university shirts.

Activity: Gamit ang table sa ilalim, paano mo pwedeng i-categorize ang products mo? Pwede mong gamitin ang katabi nitong table as a guide.

Variants

Kung available ang products mo sa iba-ibang size, color, material (at iba pang attributes), pwede mo rin silang i-sort by variant. Balikan natin yung scenario natin kanina. Sinabi dito na available ang shirts ni Jepoy in different sizes and colors, so pwedeng ito ang mga variant na meron siya:

Activity: Gamit ang table sa ilalim, ano-anong variants naman ang meron ka?

Paano mo naman ito gagawin sa Qarabao?

Ngayong alam na natin kung ano-anong categories and variants ang meron tayo, subukan naman nating gawin ito sa Qarabao. Kailangan mo lang sundin ang steps sa ilalim:

  1. Sa kaliwang menu, i-click ang Products.
  2. Sa Products page, i-click ang Add Product button sa kanan.
  3. Sa Product Details section, i-enter ang product name, category name, at price.
  4. Sa Variants section, i-click ang Add button at pumili ng variant type(s) na meron ka.
  5. I-enter ang Price, Quantity, at Low Quantity Inventory ng bawat variant.
  6. Kapag na-enter mo na lahat ng details ng product mo, i-click lang ang Save button.

Note: Hindi ka naman required na sundan lahat ng steps na tinuro namin. Depende parin ito sa needs ng business mo. Meron ka pa ring freedom sa kung paano mo gustong gumawa ng categories and variants sa Qarabao. Siyempre, gusto namin kung saan parin kayo madadalian.

Ikaw naman!

Naiisip mo na ba kung paano mo igu-group ang products mo by category and variant sa Qarabao? Kung kailangan mo ng tulong sa pag-gamit ng Qarabao, pwede kang mag-schedule sa amin ng free one-on-one product demo. Ituturo na rin namin lahat ng kailangan mong malaman sa Qarabao.

Kung hindi mo pa nasusubukan ang Qarabao, pwede ka ring mag-sign up for a 30-day free trial! Sigurado kaming makakatulong ang Qarabao sa pagpapatakbo ng business niyo.

Also read: Better inventory management — how to keep things organized

Other articles you may like

                

Get started with our 30-day free trial

Close Bitnami banner
Bitnami